Isang nakaka-inspired na dalaga ang triple kayod sa umaga at gabi, habang siya ay isang masipag na estudyante sa tanghali.

Isang nakaka-inspired na dalaga ang triple kayod sa umaga at gabi, habang siya ay isang masipag na estudyante sa tanghali.


Hinahangaan ngayon sa social media ang isang working student na kinilalang si Jermelyn Hatulan tubong Mindoro. Siya ay pumunta ng Maynila upang makipa

Dating na-drop out sa kolehiyo, ngayon ay nagmamay-ari na ng isang sikat at malalaking Lechonan sa Pilipinas!
Karga-karga ng isang ama ang kanyang 1-buwang gulang na anak habang naglalako ito sa ilalim ng init ng araw!
Isang napaka-swerteng bride ang nakatanggap ng nakakalulang Php1 million savings mula sa kanyang groom!

Hinahangaan ngayon sa social media ang isang working student na kinilalang si Jermelyn Hatulan tubong Mindoro. Siya ay pumunta ng Maynila upang makipagsapalaran na maging working student upang matugunan ang kanyang pag-aaral. Siya ay kumukuha ng kursong Industrial Engineering at siya 2nd year college na.

Nakakamangha ang kasipagan ni Jermelyn dahil nagtatrabaho ito sa umaga habang nag-aaral sa tanghali at balik na naman sa trabaho pagdating ng gabi. Ayon kay Jermelyn, araw-araw ay gumigising siya ng alas-dos ng madaling araw upang magtinda sa palengke. Pagdating naman ng alas-syete ng umaga ay nagtrarabaho naman siya bilang waitress at taga-hugas ng pinggan sa karinderya doon.

Pagdating ng tanghali ay magaattend siya ng kanyang online class at pagkatapos ng klase ay babalik naman ng palengke upang magtinda muli. Saad ni Jermelyn, “Ito ’yung buhay ko sa araw-araw. Gigising ng alas-dos ng madaling araw para magtinda sa palengke.” Aniya, ganito ang kanyang daily routine upang matustusan ang kanyang pag-aaral at dahil mabagal rin ang internet sa kanilang probinsya kaya naisipan niyang mamuhay na muna sa Maynila at makitira sa kanyang tiyuhin.

Kaya naman nagdesisyon siyang magtrabaho ng triple upang matugunan ang kanyang pag-aaral. Dahil nga online ang kanilang pag-aaral talagang mina-manage ng mabuti ni Jermelyn ang kanyang oras. Sa kanyang dalawang trabaho kumikita siya ng Php550 sa bawat araw para sa kanyang pang-araw-araw na mga pangangailangan.

Kahit na nakakaramdam siya ng pagod hindi na niya ito alintana. Samantala, upang mapagsabay ang kanyang paghahanapbuhay sa pag-aaral gumagamit na lamang siya ng headset at nakikinig sa kanyang guro habang siya ay naghuhugas ng pinggan.

At kahit raw sobrang hirap, hindi na rin naman ito bago sa kanya dahil noong nasa high school pa lamang siya ay nagbebenta rin siya ng food packs sa kanyang mga kamag-aral at nagtrabaho na rin sa isang fast food chain, upang makatulong sa gastusin nilang pamilya.

Nais ni Jermelyn na maging proud sa kanya ang kanyang pamilya kaya naman sa ngayon ay kailangan niya munang magtiis upang maabot ang kanyang mga pangarap. Kaya naman dahil sa kanyang kasipagan at determinasyon sa buhay ay maraming mga netizens ang humanga sa kanya.  Payo niya sa kanyang kapwa kabataan, “WAG PO TAYONG SUSUKO. Ang kailangan lang natin ay magpray lang palagi at wag po tayong paghihinaan ng loob.”

 

COMMENTS