Isang Grade 12 student sa Isabela City, nakatanggap ng scholarship grant galing sa 7 iba’t ibang universities abroad at 5 naman Pilipinas!

Isang Grade 12 student sa Isabela City, nakatanggap ng scholarship grant galing sa 7 iba’t ibang universities abroad at 5 naman Pilipinas!


Kilalanin ang Grade12 student na si Benjamin Baui na mula pa sa Santo Toma, Isabela City. Isang nakakamanghang talion ang naipamalas ng bata ito dahil

Ang nobya kong foreigner!”: Pinoy surfer na winner sa puso ng nobya nitong foreigner at sa netizens dahil sa heroic deed nito.
Pinay yaya noon sa HongKong, isa na ngayong CEO ng private school sa Canada.
Indonesian Surfer at Napakagandang British Girl na may nakakakilig na love story.

Kilalanin ang Grade12 student na si Benjamin Baui na mula pa sa Santo Toma, Isabela City. Isang nakakamanghang talion ang naipamalas ng bata ito dahil nakapasa siya ng scholarship grant mula sa 7 iba’t ibang unibersidad sa ibang bansa. Ito ang mga International Schools sa bansang America at Germany, milyon-milyon ang halaga ng scholarship grant na ito ni Benjamin.

Si Benjamin ay isang magtatapos ngayon ng Senior High School sa Advance Montessori Education Center of Isabela. Naging usap-usapan siya sa ngayon sa social media dahil sa kanyang naipasang mga scholarship na nagkakahalaga ng kabuuang Php11 million. Una na rito ang pagpasa niya sa Arizona State University sa Tempe, Arizona, U.S.A., with $40,000 (Php2 million) scholarship grant. Nakapasa rin siya sa Xavier University sa Ohio na may kasamang scholarship grant na $100,000 (mahigit Php5 million).

Pasado rin siya sa University of Arizona at may scholarship grant na $30,000 (Php1.5 million). Pumasa rin siya sa Merrimack College sa Massachusetts, at nagkaroon siya ng conditional admission sa Syracuse University sa New York. Inalok din siya sa Jacob University sa Bremen, Germany, na may taunang 6,000 euros scholarship (Php330,000). Ngunit sa pitong unibersidad na ito ang Xavier University ang napili ni Benjamin dahil ito ang may pinakamalaking scholarship grant, plano rin niyang kumuha ng Bachelor of Science in Architecture. Saad ni Benjamin, “The fact na nakuha ko po at nakamit ko ang pinakamataas na scholarship sa pinaka-top choice kong school ay sobrang saya po.”

Aniya pa, isang masayang journey raw ang nangyaring pag-aapply niya ng scholarship sa 7 unibersidad abroad lalo pa daw na talagang nagbunga ang lahat ng kanyang mga pagsusumikap sa pag-aaral. Ika pa niya, “Nag-pay off naman po yung hardship ko from writing recommendations, application letters, letter of appeal, from examining…”  Hindi lamang ito ang mga achievement ni Benjamin dahil hindi lamang siya sa abroad nakapasa ng scholarship kundi pati na rin dito sa Pilipinas. Ito ang 5 unibersidad na mula pa sa University of Santo Tomas, Far Eastern University, Enderun Colleges, De La Salle University- Dasmariñas, at University of Saint Louis – Tuguegarao.

Ito ang kanyang once in a lifetime na opportunity kaya talagang labis ang kanyang kagalakan ngayon. Dahil ang kanyang dating pinangarap lamang ay nagkaroon na ng katuparan. Ngayon, mag-aaral na siya sa U.S., pakiramdam daw ni Bench ay tinutupad din niya ang pangarap kanyang ng mga magulang. Malaking tulong din daw ito sa pamilya na na-bankrupt ang mga negosyo dahil sa pandemya. Dagdag pa niya titiisin niya ang mapalayo sa pamilya dahil pangarap niya ang magkaroon ng malalaking oportunidad para sa kanyang sarili at para sa kanyang pamilya.

 

 

COMMENTS